Ang Paghaharap -- para sa ikabubuti ng lahat sa susunod na taon akda ni MM Guinto
Halika at magkalinawan tayo, tutal ngayon lahat na ng karapatan ay nasa akin.
May karapatan na akong magsalita ng lahat ng gusto kong sabihin at wala ka ng magagawa upang mapigilan pa ito.
Lahat ay may bahid ng dumi, sa totoo lang gusto man ng tao na sundan ang yapak ng diyos, minsan talaga nagkakamali ng landas. Madaling magpatawad ang diyos, gayun din naman ang tao -- pinapatawad ang mga taong nagpapakumbaba at umaamin ng mga kasalanan nila.
Psst.. kinakausap kita makinig ka, akala mo ba hindi para sayo yung sinabi ko? Wag mong itago ang dumi mo, wag mong walisin ang mga mismis patungo sa ilalim ng basahan, dahil pag yan ay pinagpag, lalabas lahat ng alikabok sa ere -- wag kang magmalinis na akala mo ay walang kang ginawa o ginagawang masama! Wag mong itago sa mga ngiti mong mala - anghel ang lahat. Tuso din kami gaya mo -- pinapanood ang lahat ng kilos at galaw mo. Tama na ang panloloko mo sa iba.
Wag mo kong talikuran at hindi pa ako tapos.
Alam kong tuwing maririnig mo ang pangalan ko ay di ka mapakali, lalo na siguro pagnakarinig ka ng mga papuri no? Tumatawa ako ng malakas ngayon alam mo kung bakit? Dahil alam kong gusto mo man kumontra, e wala sa ugali mo ang kumontra ng iba dahil masisira ang pinakaiingatan mong reputasyong mabait ka.
Naawa ako sayo. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ka nagiisa. Nakakapagtaka ba kung bakit ako naawa samantalang hindi ka nagiisa? Dahil halos lahat ng taong umiinog sa mundo mo ay ginagawa sayo ang ginagawa mo. Sinasabi ko na nga ba, may araw ka din at lumalapit ng lumalapit ito paunti- unti sayo.
Alam ko ngayon gusto mo na tumakbo sa mga sinasabi ko, wag kang magalala patapos na. Tumigil ka na sa paninira ng iba. Alam mo na ang sinasabi ko, hindi ka man nagtagumpay sa akin -- wala kang pagasa -- tigilan mo na sa iba. Manawa ka naman!
At kung pinapahalimuyak mo man ang pangalan ng iba kasabay ng pangalan mo, pwes may kanya-kanyang hilig pagdating sa amoy ang bawat tao -- siguraduhin mo lang na ito ay magugustuhan nila dahil, wala pa akong nakitang tao na mahilig sa masangsang na amoy!
Sige lumayas ka na sa harap ko at tapos na ako magsalita. Sana magtanda ka.
P.S. Tamaan na ang tatamaan dito. Para ito sa mga taong may mataas ang katungkulan na wala naman talagang alam gawin kung hindi kabulastugan at puro katangahan, sa mga pulitikong mahilig mamulitiko at sa mga piniling magpatama sa mga sinulat ko. At para din pala to dun sa dalawang sinungaling na nakilala ko. Malas.


